House Bill 6398, bakit kailangang tutulan?

Ang House Bill 6398 ay ang paglalaan nang pondo na galing sa mga pension nang SSS at GSIS para sa Maharlika Investment Fund kaysa makuha ito ng mga benepisyaryo.

Narito ang ilan sa mga paliwanag kung bakit kailangang hindi natin ito hayaang maipasa bilang batas.

Una, walang malinaw na probisyon na ang mga manggagawang pagkukuhanan nila ng SSS at GSIS ay makakakuha ng benepisyo mula sa House Bill na ito. Pangalawa, korap ang ating mga namamahala sa ating bansa. Pangatlo, kasama ang pera mula sa LandBank at DBP rito, ang tanong: Sino na ang magpapautang sa mga ordinaryong Pilipino?

Pagmasdan mo ang iyong kapaligiran, ang ating presidente, ang ekonomiya nating patuloy na bumabagsak. Araw-araw na lamang nagiging komplikado, masama, at magulo ang sistema at kalagayan sa ating bansa. At ngayon, mababawasan pa ang benepisyo, o ang pinagkukuhanan nang pera ng isang ordinaryong Pilipino.

Paano na ang mga ordinaryong mamamayan na sa SSS at GSIS na lamang umaasa? Paano kung ito na lang ang bumubuhay sa karamihan sa kanila.

Maraming Pilipino ang pinipiling manahimik, ngunit kung ikaw ay may kamalayan at nais na mabago ang takbo nang mundo, tulungan mo akong ipakalat ito.